sammendoza.tumblr.com
1. It would make you feel how unsmart (bobo) you are. Sa tingin mo matalino ka na kasi honor student ka nung high school? Nagkakamali ka kasi back to zero ka ulit ngayong college.
2. Di mo na magagawa yung 5 minutes before exam ka mag-rereview. Dahil maniwala ka sa akin babagsak ka talaga at nangyari na yun sa akin ng maraming beses unless sobrang dali lang nung exam niyo o sadyang maswerte ka lang.
3. Wag kang aasa sa notes ng ibang tao. Bukod sa kawawa ka kapag may open notes na quiz. Ang mahal din kaya ng tuition na binayaran ng magulang mo! Edi sana yung kaklase mo na lang na hinihiraman mo ng notes yung pinag-aralng magulang mo. Kaya please lang makinig ka naman sa klase.
4. Don’t depend on others. Kasi sa huli ikaw pa rin ang kawawa o lugi. Sa tingin mo kapag nag-ttrabaho na kayo makakasama mo pa rin yung seatmate o kaibigan mong parati mong kinokopyahan para magtanong kung ano o paano gagawin yung pinapa-trabaho sa inyo? HELL NO.
5. Hindi puro saya ngayong college. Huy maghirap ka naman ng konti. Tandaan mo lahat ng bagay pinaghihirapan. Balang araw magiging worth it o sulit lahat ng paghihirap mo.
6.
7.
8.
9.
10.
Nagtataka ka kung bakit wala pa yung 6-10? Nakaka-2 years pa lang ako sa college eh hahaha wait lang magdadagdag agad ako kapag may naisip pa ako